Thursday, February 5, 2009

Talangguhit o Line graph

Siguro naman ay alam ninyo kung ano ang isang line graph? At malamang napagaralan niyo na ito noong nasa elementarya pa lamang kayo. Naituro na rin sa inyo kung paano gumawa at magbasa nito. Eh alam niyo ba kung ano ang line graph sa tagalog? Baka 'pag nabasa niyo ito may bago kayong matutunan.

Ano ba ang line graph o talangguhit?

Slide 1
Slide 1

Ito ay isang uri ng grap na gumagamit ng linya para maipakita ang pagkakaugnay ng mga bagay o datos na pinaghahambing. Ipinapakita ng linya kung paano nagbabago ang bilang, dami o sukat ng mga bagay o datos na ipinapakita sa grap.

Halimbawa:

Click here to view the image

Itong larawang ito ay isang halimbawa ng line graph o talangguhit. Ipinapahiwatig dito tubo ng isang kompanya sa loob ng sampung taon. At bawat taon (makikita sa ibaba ng grap) ay may nakatakdang linya sa itaas ng taon na kung saan may tuldok. Ang mga numero naman sa kaliwang bahagi ng grap ay kumakatawan sa halaga ng pera tinubo. Kung makikita ninyo, ang mga tuldok na ito ay konektado ng pulang linya. At ang linyang ito ay papunta sa itaas. Ipinapakita rito na ang naging tubo sa sampung taon ay dahandahang tumataas habang lumilipas ang bawat taon. Kung mapapansin niyo din sa bandang itaas kung saan mababa sa ang "Profit x 1000", ito ay ang sagisag kung saan ang mga numerong nasa kaliwa ay hindi lamang basta basta numero. Kundi ito ay ang katumbas ng tubong natanggap sa taong nabanggit sa grap.

Kung itatanong naman ang importansya ng grap na ito, mas madaling mababasa at mauunawaan ng mambabasa ang bahagdan ng isang bagay o ideya kung itong gagamitang ng talangguhit. Hindi lamang sa madali itong mabasa o gawin, kundi ito rin ay isang magandang paraan kung paano maglarawan ng datos na nakalap mula sa pananaliksik o problemang gustong malunasan.







Ito ay gawa nila:

Janne Euricka Garcia
Kate Alviar
Geraldine BaƱacia
Rachelle Anster San Felipe

5 comments: